“Suwerte lang ako. Aksidente lang ang buhay ko.”
Ngunit ang aksidenteng ito ay nagbigay sa atin ng mga tula, aklat, at adbokasiya na humubog sa panitikang Filipino. Sa episode na ito ng Power Talks with Pia Arcangel, ibinahagi ni Virgilio Almario, o mas kilala sa pen name na Rio Alma, kung paano siya nagsimulang magsulat hanggang sa pagiging isang haligi ng ating wika at panitikan.
Ano ang take niya sa Gen Z at sa social media era? Paano niya nakikita ang mabilis na pagbabago ng wika? Ano ang role ng isang National Artist o Pambansang Alagad ng Sining? At bakit nga ba nakakatuwa para sa kanya ang mga salitang charot at chorva? Tuklasin ang kanyang mga kuwento, pananaw, at aral sa isang makabuluhang talakayan.